3 High Value Targets, arestado sa dalawang araw na operasyon ng PRO8

0
262

Arestado ng Police Regional Office 8 (PRO8) sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Jason L Capoy, Regional Director, ang tatlong high-profile suspects aa dalawang araw na anti-drug operation na isinagawa sa Samar, Southern Leyte, at Biliran nito lamang March 13–14, 2026.

Unang nagsagawa ng buy-bust operation noong March 13 ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Samar Police Provincial Office (SPPO) na nagresulta sa pagkakaaresto ni alias “Geo,” 48-year-old na driver at residente ng Catbalogan City, Samar.

Si Geo ay itinalaga bilang High Value Individual (HVI) at Ranked No. 10 sa Regional Priority Target List (RPTL). Nakumpiska mula sa kaniya ang anim na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may estimated weight na 1.369 grams at may Dangerous Drugs Board (DDB) value na Php9,309.

Sumunod namang inaresto ng mga kapulisan ng Southern Leyte PDEU noong March 14 si alyas “Amer,” isang 48-year-old na driver at resident naman ng Lilo-an, Southern Leyte, na itinalaga rin bilang HVI at ranked No. 13 ng RPTL. Nakumpiska mula sa kaniya ang apat na heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu shabu na may estimated weight na 6.6 grams at DDB value of na 44,880.

Sa parehong araw, nahuli rin ng Biliran PDEU sa isang buy-bust operation si alyas “Lan,” 49-year-old at residente ng Naval, Biliran, na kabilang din sa listahan ng HVI at ranked No. 15 ng RPTL. Nakuha naman mula sa kaniya ang tatlo pang heat-sealed transparent plastic sachet ng shabu na may estimated weight na 2.4 grams at DDB value na Php 16,598.80.

“The arrest of three High Value Individuals demonstrates the dedication, coordination, and professionalism of our personnel in enforcing the law and safeguarding our communities,” pahayag pa ni PBGen Capoy.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.