Nakiisa ang mga tauhan ng Revitalized Pulis Sa Barangay (R-PSB) Carmen Team 1 ng 2nd Davao del Norte Provincial Mobile Force Company sa Bamboo Planting Activity noong Hulyo 26, 2026 sa kahabaan ng riverside, Barangay Mangalcal, Carmen, Davao del Norte.
Ang grupo ay nakiisa sa pamumuno ni PCMS Riza M. Amigo, Team Leader, sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Dennis L. Agosto, Team Supervisor ng Carmen Cluster, sa ilalim ng liderato ni Police Lieutenant Colonel Kristopher A. Sabsal, Force Commander.
Nakiisa rin ang mga opisyal ng barangay, mga residente, at stakeholders sa pagtatanim ng mga punlang kawayan.
Kasabay nito, nagsagawa rin ang mga pulis ng maikling talakayan hinggil sa pangangalaga sa kalikasan, kahandaan sa sakuna, at mga hakbang sa pag-iwas sa pagbaha bilang bahagi ng pagsusulong ng kamalayang pangkapaligiran sa komunidad.
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang pangangalaga sa kalikasan, makatulong sa pagpigil ng pagguho ng lupa at pagbaha sa mga tabing-ilog, at higit pang mapagtibay ang ugnayan ng Philippine National Police at ng komunidad sa pagtataguyod ng isang ligtas, malinis, at matatag na kapaligiran na napapaloob sa mantra ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: 2nd Davao del Norte PMFC



