2nd Abra PMFC, nakibahagi sa Mountain Search and Rescue Training sa Tubo, Abra

0
362

Nakibahagi ang mga personnel ng 2nd Abra Provincial Mobile Force Company (PMFC), Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Team Zone 2, sa Mountain Search and Rescue (MOSAR) Training na isinagawa ng Bureau of Fire Protection (BFP) Tubo para sa mga opisyal ng Brgy. Tiempo, Brgy. Health Workers, mga guro, at mga estudyante sa Brgy. Tiempo, Tubo, Abra noong Setyembre 24, 2026.

Nakatuon ang pagsasanay sa pagpapalakas ng kaalaman, kasanayan, at kahandaan ng mga kalahok sa mga pangunahing pamamaraan ng paghahanap at pagsagip sa mga bulubunduking lugar, kabilang ang wastong pagtatali ng mga buhol at ligtas at epektibong paggamit ng lubid sa mga rescue operation at emergency na sitwasyon.

Binigyang-diin din sa aktibidad ang kahalagahan ng kahandaan ng komunidad, pagtutulungan, at koordinadong pagtugon sa panahon ng emergency at sakuna. Pinagtibay nito ang ugnayan ng kapulisan, mga emergency responder, opisyal ng brgy., health workers, mga guro, at mga mag-aaral upang maging mas maagap at organisado ang pagtugon sa oras ng pangangailangan.

Sa pamamagitan ng naturang pagsasanay, napalalakas ang kamalayan sa kaligtasan at katatagan ng komunidad, habang hinihikayat ang mamamayan na maging handa at aktibong makibahagi sa mga hakbang upang maiwasan ang panganib at makapagbigay ng paunang tugon sa mga emergency, alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP 2nd Abra Provincial Mobile Force Company

Leave a Reply