Tinatayang nasa 290 newly appointed patrolmen and patrolwomen ang matagumpay na nanumpa bilang mga bagong kasapi ng Police Regional Office 8 (PRO8), sa ilalim ng Calendar Year 2026 Regular and Attrition Quotas nito lamang September 16, 2026 sa PRO 8 Grandstand, Camp Sec. Ruperto K. Kangleon, Palo, Leyte.
Dumalo sa seremonya si PBGen Romano V Cardiño, Regional Director ng PRO8, kung saan pinangunahan niya ang kabuuang 290 police recruits sa kanilang panunumpa sa katungkulan bilang bagong mga miyembro ng Philippine National Police (PNP). Sa nasabing bilang, 218 dito ang hinirang sa ilalim ng Attrition Quota, na binubuo ng 51 babae at 167 lalaki, habang 72 ang hinirang sa ilalim ng Regular Quota, na binubuo ng 15 babae at 57 lalaki.
Ang nasabing bagong mga pulis ay sasailalim sa anim na buwang Public Safety Basic Recruit Course (PSBRC) mula September 16, 2026, hanggang February 16, 2027. Layon ng nasabing pagsasanay na palawakin pa ang kaalaman ng mga bagong pulis kaugnay sa law enforcement profession, disiplina, at iba pang mga competencies na mahalaga para sa pagtupad ng kanilang mandato bilang mga alagad ng batas.
Kasabay ng seremonya, ipinaabot ni PBGen Cardiño ang mensahe ng hepe ng Pambansang Pulisya na si Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., kung saan binigyang diin nito ang kaakibat na responsibilidad ng pagsusuot ng uniporme.
“Kaya ingatan ninyo ang pagkakataong ito. Huwag ninyong sayangin ang tiwala na ipinagkaloob sa inyo. Pahalagahan ninyo ang inyong uniporme. Gawin nang tama ang inyong tungkulin. At manatiling tapat sa inyong sinumpaang tungkulin sa bayan,” saad pa ng Chief, PNP.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1DK3CzHNCL/?mibextid=wwXIfr

