Arestado ang dalawang Regional Regional Most Wanted Persons (MWPs) ng mga operatiba ng Police Regional Office 8 (PRO8), sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Jason L Capoy, Regional Director, sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon Province at Caloocan City nito lamang September 3, 2026.
Unang naaresto si alyas “Gino,” isang 21 anyos na construction worker at itinalaga bilang Rank 5 Regional Most Wanted Person sa Buenaventura Alandy National High School, Brgy. Ibabang Bukal, Tayabas, Quezon Province. Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code, nang walang piyansang inirekomenda.
Kasunod namang naaresto si alyas “Ben,” 18 anyos at itinalaga bilang Rank 4 Regional Most Wanted Person sa Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City. Inaresto naman ito sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Rape sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code.
Pinangunahan ang naturang mga operasyon ng Regional Intelligence Division–Regional Special Operations Unit 8 (RID-RSOU-8), katuwang ang Area Counterintelligence Section ng Regional Intelligence Division, NCRPO (ACS-RID, NCRPO), Biri Municipal Police Station (MPS) at iba pang mga concerned police units.
Agad namang dinala ang mga naarestong indibidwal sa ACS-RID, NCRPO custodial facility sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City para sa karagdagan pang dokumentasyon at tamang disposisyon.
“This successful operation underscores our steadfast resolve to strengthen intelligence-driven policing and sustain close coordination with our partner units. We will continue to pursue wanted persons and ensure that they are brought before the courts to face the charges against them” (Ang matagumpay na operasyong ito ay nagpapakita ng ating matatag na determinasyong palakasin ang intelligence-driven policing at ipagpatuloy ang mahigpit na koordinasyon sa ating mga katuwang na yunit. Patuloy nating tutugisin ang mga wanted person at titiyaking sila ay maihaharap sa hukuman upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanila), giit ni PBGen Jason L Capoy, Regional Director ng PRO8
Source: https://www.facebook.com/share/p/1JrDMznrNJ/?mibextid=wwXIfr



