2 indibidwal, arestado matapos tumakas sa PNP Checkpoint sa GenSan; Improvised na baril, bala, at hinihinalang shabu, narekober

0
36

Arestado ang dalawang indibidwal matapos takasan ang isang police checkpoint na nauwi sa hot pursuit operation at pagkakasamsam ng isang improvised firearm, mga bala, at hinihinalang shabu sa Barangay Labangal, General Santos City noong Agosto 3, 2026.

Ayon kay Police Brigadier General Alan B Manibog, Acting Regional Director ng Police Regional Office 12, nagsasagawa ng checkpoint operation ang mga tauhan ng Police Station 2 ng General Santos City Police Office nang parahin ang isang motorsiklo na may dalawang sakay na kapwa walang suot na helmet.

Sa halip na huminto, pinaharurot ng mga suspek ang kanilang motorsiklo, dahilan upang magsagawa ng agarang pagtugis ang mga pulis na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code, Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri ni PBGen Manibog, ang mga operatiba sa kanilang maagap na pagtugon at muling hinikayat ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa panahon ng checkpoint operations upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan na layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Police Regional Office 12

Leave a Reply