10 indibidwal, arestado sa anti-drug operation ng Bulacan PNP; Php317K halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam

0
76

Arestado sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng mga operatiba ng Bulacan Police Provincial Office ang 10 indibidwal at nasamsam ang hinihinalang shabu nito lamang August 5, 2026.

Batay sa report ni Police Lieutenant Colonel Gilbert C Diaz, hepe ng Bocaue MPS, isang drug suspect ang naaresto sa isinagawang buy-bust sa Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan, noong August 4, 2026, dakong 5:50 ng madaling araw. Nakumpiska mula sa suspek ang siyam na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php197,200 at buy-bust money.

Samantala, ayon sa ulat ng mga hepe ng Hagonoy, Baliwag at Obando Police Stations, siyam pa na indibidwal ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon laban sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 12 sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang halagang Php120,360 at buy-bust money.

Ang lahat ng mga naarestong suspek ay mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bilang bahagi ng pinaigting na laban kontra sa ilegal na droga, patuloy ang mga awtoridad sa pagpapatupad ng mga operasyon laban sa mga sangkot dito. Ayon kay Police Colonel Jay B Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, ang mga ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan sa Bulacan.

Source: Bulacan Police Provincial Office

Leave a Reply