Nakumpiska ang humigit kumulang 200 gramo ng hinihinalang shabu mula sa dalawang High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6 (RPDEU6) sa Zone 6, Barangay Boulevard, Molo, Iloilo City dakong alas-7:50 ng gabi, nito lamang ika-2 ng Setyembre 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alain Licdan, Officer-in-Charge ng RPDEU 6, ang mga suspek na sina alyas “Toting,” 42 anyos, lalaki, pangunahing target ng operasyon at alyas “Nene,” 17 anyos, babae, kapwa sila residente ng Barangay Rizal Estanzuela, Iloilo City at kabilang sa listahan ng mga High Value Individual.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 10 sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at iba pang non-drug item.
Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang haharapin ng mga suspek.
Patuloy na pinaaalalahanan ng PRO6 ang publiko na makipagtulungan sa kapulisan sa pagbibigay ng impormasyon upang tuluyang masugpo ang iligal na droga at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong Western Visayas tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: PRO6 RTOC
Panulat ni Pat Ledilyn Bansagon



