Sumuko ang dalawang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga awtoridad sa magkahiwalay na insidente sa mga bayan ng Matnog at Magallanes, sa Sorsogon noong Hunyo 8, 2026.
Ang pagsuko ay pinangunahan ng magkasanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng Police Regional Office 5 (PRO 5) laban sa insurhensiya at para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
Ayon sa mga awtoridad, pinili ng mga nasabing dating rebelde na talikuran ang armadong pakikibaka at tuluyang magbalik-loob sa pamahalaan upang makapamuhay nang mapayapa at maging produktibong miyembro ng lipunan.
Kasalukuyan silang sumasailalim sa custodial debriefing at dokumentasyon habang hinihintay ang pagproseso ng kanilang aplikasyon sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), isang programang nagbibigay ng tulong at suporta sa mga dating rebelde.
Ang kanilang pagsuko ay itinuturing na mahalagang hakbang sa pagpapahina sa operasyon ng CTG at sa pagsusulong ng PNP tungo sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa Bicol Region na nakabatay sa layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”



