Matagumpay na isinagawa ng mga personnel ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company (PMFC) ang Feeding Activity para sa mga mag-aaral ng Bataraza Arabic Learning Center (Madrasa), noong November 7, 2026, dakong 9:30 ng umaga sa Brgy. Marangas, Bataraza, Palawan.
Nanguna sa programa si PCpt Jason B Tesorero, Platoon Leader, sa ilalim ng superbisyon ni PLtCol Randy Rajah V Ramos, Force Commander, katuwang si Sheikh Saber Sali, na siyang namamahala sa naturang Madrasa.
Bukod sa pamamahagi ng mga masustansiyang pagkain, nagbigay-daan din ang naturang inisyatiba sa pagbahagi ng Pambansang Pulisya ng kanilang pakikiisa at pagdamay sa ating mga kapatid na Muslim.
Layunin ng aktibidad na ituro sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maayos na pakikitungo at ugnayan para sa pagkamit ng ligtas at payapang komunidad.
Bilang parte ng adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” patuloy ang 1st Palawan PMFC sa paglulunsad ng parehong mga proyekto upang matiyak ang maayos at produktibong ugnayan sa pagitan ng mamamayan at ng buong publiko para sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa buong lalawigan ng Palawan.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1TYvwtAYzd/?mibextid=wwXIfr

