Agad na nagbigay ng tulong ang mga tauhan ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa isang babaeng churchgoer na nahilo at natumba habang dumadalo sa Sunday Mass sa Saint William’s Cathedral, Bulanao, Tabuk City, Kalinga noong Agosto 23, 2026.
Pinangunahan ni Police Master Sergeant Arnel G. Banatao, IO PNCO, ang mga tauhan ng 1st KPMFC sa mabilis na pagresponde sa insidente. Walang pag-aatubiling tinulungan ng mga pulis ang babae at agad siyang isinakay at dinala sa Kalinga Provincial Hospital upang mabigyan ng kaukulang medical assessment at paggamot.
Sa maagap na pagkilos ng mga tauhan ng 1st KPMFC, ligtas na naihatid ang churchgoer sa pagamutan at kasalukuyang nasa stable na kondisyon. Ipinakita ng insidente ang kahalagahan ng police presence at kahandaan hindi lamang sa pagpapanatili ng seguridad kundi maging sa pagtugon sa agarang pangangailangan ng mga mamamayan.
Patuloy na isinasabuhay ng 1st KPMFC ang diwa ng malasakit, kahandaan at mabilis na pagtugon bilang katuwang ng komunidad, alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: PNP Kalinga Uno PMFC (https://www.facebook.com/share/p/1LkA2AXpP1/?mibextid=wwXIfr)



