19 mangingisdang lumabag sa Fisheries Code, arestado sa Mercedes, Camarines Norte

0
99

Arestado ang 19 na mangingisda sa pinagsanib na puwersa ng Mercedes Municipal Police Station (MPS) at Bantay Dagat ng Local Government Unit (LGU) ng Mercedes, matapos mahuli ang mga ito sa aktong nagsasagawa ng ilegal na pangingisda sa municipal waters ng Barangay Lalawigan, Mercedes, Camarines Norte, noong Hunyo 7, 2026

Nakumpiska sa operasyon ang dalawang motorized banca (ISUZU Trawl); dalawang set ng kahoy na board na may triangular bar na nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php50,000.00; dalawang set ng trawl net na tinatayang nagkakahalaga ng Php100,000.00; dalawang set ng lubid na may 20 metro na nagkakahalaga ng Php5,000.00; at 68 banyera ng isdang dilis na may tinatayang halaga na Php27,200.00.

Ang lahat ng nakumpiskang kagamitan ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Bantay Dagat ng LGU Mercedes para sa wastong dokumentasyon at disposisyon alinsunod sa umiiral na mga patakaran.

Nahaharap naman ang mga naarestong indibidwal sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8550 o ang Philippine Fisheries Code of 1998, na inamiyendahan ng Republic Act No. 10654.

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa maayos na koordinasyon at pagtutulungan ng Mercedes MPS at Bantay Dagat ng LGU Mercedes.

Ipinapakita ng operasyong ito ang matatag na paninindigan ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para da Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” kasama ang lokal na pamahalaan laban sa ilegal na pangingisda upang maprotektahan ang yamang-dagat at matiyak ang pagprotekta sa mga kabuhayan ng ating mga ibang mangingisda.

Leave a Reply