Nakatakdang magtalaga ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ng nasa 175 tauhan para magbantay sa seguridad ng ASEAN Summit na gaganapin sa Cebu ngayong darating na Mayo 2026.
Sa isinagawang send-off ceremony, sinabi ni Police Brigadier General Rommel Batangan, Director ng PNP-HPG, na binubuo ang nasabing mga tauhan ng nasa 108 motorcycle riders, 38 drivers at 24 crew members kasama ang 38 mobile patrol vehicles, na pinapangunahan ng limang convoy officers.
“Itong mobile natin at itong mga HPG personnel will be augmented to PSC sa Presidential Security Command para po ma-deploy naman sa Asean Summit dito sa Cebu,” saad pa ni PBGen Batangan.
Magsisilbi ang grupo bilang mga pangunahing lead vehicles na siyang aatasan ng road clearing at security coordination sa bawat ruta ng mga delegado ng ASEAN kabilang na ang top government officials.
Samantala, nanguna naman si PBGen Batangan sa pagsasagawa ng inspeksyon upang tiyakin ang kahandaan ng mga operational capability ng Pambansang Pulisya kabilang na ang gagamitin mga sasakyan at motorsiklo bago pa man ito italaga sa Central Visayas.
Dagdag pa niya na ang nasabing mga sasakyanay nirecall pa mula sa iba’t ibang lalawigan at mga bayan sa bansa habang ang mga motorsiklo naman ay nanggaling pa sa iba’t ibang mga regional highway patrol units.
Sa kabilang banda, sinabi ni HPG spokesperson, Police Lieutenant Nadame Malang na ituturn-over ang nasabing mga mobile assets sa Malacañang bago pa man magsimula ang nasabing summit.
“Ito po ay papadala po natin by means of sea travel para po mapadala po itong mga mobile assets po,” pahayag pa ni PLt Malang. “Ang isa sa mga primary task po natin na talagang masiguro ‘yung security po ng ating mga delegado at ang mga matataas po ng opisyal ng ating pamahalaan. Even nga po ‘yung ating pabibigay din po ng assistance or traffic assistance,” dagdag pa niya.
Ang Highway Patrol Group ay 1,800 plus personnel. So a portion of this was committed dito sa particular ASEAN na ito. So kung makikita nyo rin, we conducted the inspection to ensure not only physically fit ‘yung mga padadala natin, at the same time, ‘yung roadworthiness ng ating mga vehicle at motorcycle. Shino-showcase natin, hindi lang ‘yung HPG at hindi lang ‘yung PNP, kundi ‘yung Philippine government. So pinakabilin-bilin natin na disiplina pa rin sa labas at dobleng pag-iingat,” dagdag pa ni PBGen Batangan.


