1502nd MC ng RMFB15, pinaigting ang kahandaan sa posibleng epekto ng Super Typhoon Rosal

0
58

Pinaigting ng 1502nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15) ang kahandaan nito sa pagtugon sa mga posibleng epekto ng Super Typhoon “Rosal” sa pamamagitan ng pagsasagawa ng inspeksiyon sa Search and Rescue Box ng yunit, noong Oktubre 22, 2026, sa Camp Mardamus Hill, Babalaan, Poblacion, Tadian, Mountain Province. Pinangunahan ni PCpt Junnifer P. Paggui ang naturang aktibidad upang matiyak ang kahandaan ng mga kagamitang gagamitin sa mga operasyong pangresponde.

Bilang bahagi ng maagap na paghahanda, ini-activate rin ng Unit ang Reactionary Standby Support Force (RSSF) at Search, Rescue, and Retrieval/Quick Reaction Team (SRR/QRT) upang matiyak na nakahanda ang mga tauhan para sa agarang pag-deploy sakaling kailanganin. Layunin nitong mapalakas ang kakayahan ng pulisya na rumesponde sa mga emergency at magbigay ng tulong sa mga komunidad na maaaring maapektuhan ng kalamidad.

Ipinapakita ng hakbang na ito ang patuloy na dedikasyon ng Philippine National Police sa pangangalaga ng buhay at kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng maagap na paghahanda, mabilis na pagtugon, at pakikipagtulungan sa mga komunidad, alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: 1502nd MC, RMFB 15 (https://www.facebook.com/share/19d8eJKaWK/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply