15 suspek, arestado; Php1.3M halaga ng droga, nasamsam ng PRO7 sa loob ng 24 oras.

0
17
Screenshot

Sa loob ng 24 oras, matagumpay na nakapag-aresto ang Police Regional Office 7 (PRO7) ng 15 katao na sangkot sa ilegal na droga habang nakumpiska naman ang nasa humigit-kumulang Php1.3M halaga ng hinihinalang ilegal na droga mula sa iba’t ibang bahagi ng Central Visayas.

Batay sa ulat, simula April 21, 2026 hanggang April 22, 2026, naipatupad ng PRO7 ang nasa 14 police operations na nagresulta sa pag-aresto ng isang High-Value individual at 14 iba pang mga drug suspect. Nakakumpiska naman sa naturang mga operasyon ang nasa kabuuang 192.07 gramo ng hinihinalang ilegal na droga  na may Standard Drug Price (SDP) na Php1,306,076.00.

Ang Cebu City Police Office (CCPO) ang may pinakamalaking nasamsam na aabot sa 135.30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php 920,040.00. Sumunod naman ang Bohol Police Provincial Office (BPPO) na nakakumpiska ng 53.62 gramo na nagkakahalaga ng Php364,616.00, habang ang Cebu Police Provincial Office (CPPO) ay nakasamsam ng Php21,420.00 halaga ng ilegal na droga.

Pinuri naman ni  PBGen Arnold E Abad, Acting Regional Director ng PRO7, ang mga operatiba sa kanilang walang sawang pagsisikap at dedikasyon sa pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko.

Aniya, “Our intensified anti-criminality operations in Region 7 continue to deliver concrete results, making our communities safer and more secure. Guided by the Chief PNP’s mantra, ‘Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,’ we will remain aggressive and unwavering in our fight against illegal drugs and all forms of criminality.”

Hinimok din ni PBGen  Abad ang publiko na makiisa sa kampanya sa pamamagitan ng pagbabantay at pag-uulat ng mga ilegal na gawain upang makamit ang mas maayos at ligtas na pamumuhay.

“We call on all Cebuanos—parents, educators, business leaders, and especially the youth—to stand with us in protecting the future of our young people. Through active participation, vigilance, and timely reporting of illegal activities, we can collectively break the cycle of drug abuse and secure a safer, brighter future for Cebu,” dagdag pa niya.

Panulat ni John Paul Revin, BS CRIM from Philippine College of Criminology

Leave a Reply