Zumba for a Cause ng PRO 11, umarangkada

0
58

Umarangkada ang Zumba for a Cause ng Police Regional Office 11 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-31 Police Community Relations (PCR) Month noong Hulyo 16, 2026 sa Parade Ground ng Camp Sgt. Quintin M. Merecido, Buhangin, Davao City.

Sa pakikipagtulungan ng PNP Officers’ Ladies Club Foundation, Inc. (OLCFI) – PRO 11 Chapter sa pangunguna ni Ms. Cherry Rose Rosete, dinaluhan ang aktibidad ng mga kapulisan, stakeholders, at iba pang katuwang upang isulong ang kalusugan at makalikom ng pondo para sa mga nangangailangan.

Ang nalikom na pondo mula sa aktibidad ay ilalaan bilang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol sa Davao Occidental at sa mga tauhan ng PRO 11 na nakararanas ng malubhang karamdaman.

Kinatawan ni Police Colonel Harry B. Domingo, DRDA, si Police Brigadier General Leon Victor Z. Rosete, Regional Director ng PRO 11 sa naturang programa.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin nito na ang simpleng pagtulong ay may malaking naidudulot sa buhay ng kapwa at na ang tunay na serbisyo publiko ay nakabatay sa malasakit, pagkakaisa, at taos-pusong paglilingkod.

Muli ring ipinahayag ni PBGen Rosete ang suporta ng PRO 11 sa adhikain ni Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief, Philippine National Police, na patuloy na palakasin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad sa pamamagitan ng mga programang nagsusulong ng bolunterismo, pagkakaisa, at makataong paglilingkod na nakaangkla sa Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply