Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Western Samar Provincial Field Unit, kasama ang ibang police units sa lugar, ang isang matagal nang pinaghahanap na suspek sa kasong Two Counts of Murder at Two Counts of Frustrated Murder noong ika-10 ng Agosto, 2025 sa Barangay Bagacay, Daram, Samar.
Si alyas “Luis,” suspek, ay napag-alamang kasama ni alyas “Antonio,” Kapitan ng Barangay Saraw, Motiong sa Samar na kamakailan ay naaresto din sa bisa ng parehong Warrant of arrest na inisyu ng Catbalogan City, Samar Court noong 2016.
Lumabas sa imbestigasyon na si alyas “Luis” at 14 mga kapwa suspek ay miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG), partikular ang Samar Regional Committee, BROWSER, Eastern Visayas Party Committee, na mga suspek sa pagkamatay ng dalawang sundalo ng Armed Forces of the Philippines at halos kumitil ng buhay ng dalawa pang tropa noong Mayo 15, 2015 sa Barangay Concepcion, Paranas, Samar.
Ang 15 na suspek, kasama sina alyas “Luis” at “Antonio”, ay nasa listahan ng AFP’s Periodic Status Record (PSR) para sa 1st Quarter 2025 na itinuturing na mga banta sa pambansang seguridad.
Pinuri naman ni Police Brigadier General Christopher N. Abrahano, Direktor ng CIDG, ang matagumpay na operasyon ng CIDG Western Samar na sanhi ng pagkakaaresto sa dalawa (2) sa lima (5) na matagal nang pinaghahanap.
“I commend again the CIDG Western Samar Provincial Field Unit for your unrelenting effort in tracking and capturing 2 of the 15 fugitives. It underscores your dedication and commitment in arresting all wanted persons and fugitives nationwide. With this arrest, we helped the victims, and their family attain the justice they deserved. Maraming salamat sa inyo,” ani PBGen Abrahano.
Patuloy pa rin ang paghahanap sa 13 pang mga suspek, at pagpapatupad sa batas laban sa mga lumalabag sa batas nang walang pinapanigan at pag-aalinlangan. Hinihikayat din ng PNP ang publiko na maging mapagmatyag, at huwag matakot ipag-alam sa kinauukulan kung may nalalamang impormasyon na makatutulong sa ikadarakip ng mga taong lumalabag nang batas. Tumawag sa 911 at darating ang kapulisan nang walang pag-aatubili.



