Wanted Person sa kasong Statutory Rape, arestado sa Labo, Camarines Norte

0
53

Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Labo Municipal Police Station (MPS) ang isang wanted person nitong Hulyo 27, 2026, bandang 2:10 ng hapon, sa Barangay Bautista, Labo, Camarines Norte.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Labo MPS sa pakikipagtulungan ng Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), Camarines Norte Provincial Intelligence Unit (PIU), at 503rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 5 (RMFB5), sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Angelica Starlight L. Rivera, Officer-in-Charge ng Labo MPS.

Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Labo, Camarines Norte, kaugnay ng kasong Statutory Rape sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 1 ng Revised Penal Code, na inamiyendahan ng Republic Act No. 8353 na walang inirekomendang piyansa.

Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto at ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang kanyang nauunawaan.

Muling pinatutunayan ng Camarines Norte Police Provincial Office ang patuloy nitong pagpapatupad ng batas at walang humpay na pagtugis sa mga taong may kinahaharap na kaso upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman”.

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Source: Camarines Norte Police Provincial Office

Leave a Reply