Arestado sa kasong statutory rape ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) ang isang 22-anyos na lalaki, residente ng Dangcagan, Bukidnon, na nagtatrabaho bilang laborer sa isinagawang operasyon noong Nobyembre 3, 2026, dakong 9:00 ng umaga sa Brgy. Dolorosa, Dangcagan, Bukidnon.
Isinagawa ang intelligence-driven police operation ng mga tauhan ng AKG-Mindanao Field Unit (AKG-MFU), Iligan Satellite Office, na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas noong Oktubre 29, 2026 ng Regional Trial Court, 10th Judicial Region, Branch 45, Malaybalay City, Bukidnon. Ang nasabing kaso ay nakatala sa ilalim ng Criminal Case No. 49694-26, na walang inirekomendang piyansa.
Pansamantalang nasa kustodiya ng nasabing yunit ang akusado habang isinasagawa ang kaukulang proseso.
“Patuloy ang AKG sa pagsasagawa ng mga intelligence-driven operation upang matunton ang mga wanted persons at mapanagot ang mga taong nagkasala sa batas, gayundin ang pagbibigay ng hustisya sa mga biktima ng karahasan, lalo na sa mga bata na walang kakayahan upang ipagtanggol ang kanilang sarili,” ayon kay PBGen Edwin C Balles, Director, AKG.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1bUS1ob57w/?mibextid=wwXIfr

