Arestado ang isang Wanted Person sa kasong Qualified Theft (12 Counts) sa isinagawang law operation ng Molave Municipal Police Station sa Barangay Demetrio Fernan, Bonifacio Misamis Occidental nito lamang ika – 12 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Major Harry Ratunil Velez, Acting Chief of Police ng Molave MPS, ang naarestong suspek na si alyas “Shin”, 31 anyos, babae, at residente ng Purok 7 Barangay Demetrio Fernan, Bonifacio Misamis Occidental.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Qualified Theft (12 Counts) na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php864,000.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco