Arestado ang isang wanted person sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Datu Piang Municipal Police Station sa ikinasang intel-driven operation sa Barangay Kanguan, Datu Piang, Maguindanao del Sur noong ika-9 ng Agosto 2024.
Kinilala ni Police Captain Razul G Panduka, Hepe ng Datu Piang MPS, ang suapek na si alyas “Samy”, 33 anyos, residente ng naturang lugar.
Bandang 2:00 ng hapon nang maaresto ang suspek dahil sa pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Datu Piang MPS at 4th Manuever Platoon, 2nd Provincial Mobile Force Company Maguindanao del Sur PPO, sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Paglabag sa Section 15, Article II ng RA 9165.
Patuloy na magsasagawa ng mga operasyon ang PNP para mahuli ang mga taong may pananagutan sa batas, mapanatiling mas maayos, tahimik at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Veronica Laggui