Oriental Mindoro – Arestado ang isang Wanted Person na may kasong murder sa isinagawang operasyon ng Mansalay Municipal Police Station sa Mansalay, Oriental Mindoro noong ika-3 ng Disyembre 2023.
Kinilala ni Police Major Joel Saguid, Chief of Police ng Mansalay MPS, ang suspek na may alyas na “Ben”, residente ng Mansalay, Oriental Mindoro.
Ayon kay PMaj Saguid, naaresto ang suspek sa isinagawang operasyon ng Mansalay MPS katuwang ang 403rd B MC RMFB 4B at 3rd Platoon PMFC sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang rekomendadong piyansa.
Patuloy naman ang PNP sa pagpapaigting ng kampanya laban sa mga taong may pananagutan sa batas para sa serbisyong nagkakaisa at makamtan ang isang tahimik at ligtas na pamayanan.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus