Naaresto ng Antique Maritime Police Station (MARPSTA) ng PNP Maritime Group at San Jose MPS ang isang wanted person na may kasong Homicide sa isinagawang Manhunt Charlie Operation sa Barangay San Pedro, San Jose, Antique nitong ika-28 ng Agosto 2025, bandang 12:20 ng tanghali.
Isinagawa ang operasyon upang ipatupad ang Warrant of Arrest laban sa suspek na kinilala sa alyas na “Berto,” 52 taong gulang sa kasong Homicide (RPC Art. 249) na may inirekomendang piyansang Php120,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Patuloy ang Maritime Group sa maigting na kampanya laban sa mga wanted person upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa bansa.
Panulat ni Pat Jeanno Jay T Santos



