Timbog ang isang wanted person sa kasong Estafa sa ikinasang operasyon ng Iligan City PNP sa Prk. 6 Tambo, Barangay Hinaplanon, Iligan City nito lamang ika-21 ng Setyembre 2024.
Kinilala ni Police Captain Reiner R Escalante, Officer-In-Charge ng Iligan City Police Station 1, ang naarestong suspek na si alyas “Karding”, 36 anyos, lalaki, single, call center trainer at residente ng Apitong Road Doña Maria Subdivision, Barangay Tubod, Iligan City.
Bandang 2:43 ng hapon nang maaresto ang suspek sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Iligan City Police Station 1 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Estafa.
Ang Iligan PNP ay patuloy sa pagpapatupad ng batas para mapanagot ang mga nagkasala at mapigilan ang paglaganap ng krimen sa bansa.