Arestado ng Lanao del Sur PNP ang lalaking wanted sa kasong carnapping sa Barangay Manggahan, Malabang, Lanao Del Sur noong ika-23 ng Marso 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Aki” 36 anyos at residente ng Barangay Banday, Malabang, Lanao Del Sur.
Matagumpay na naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o “New Anti-Carnapping Act of 2016” at sa pagtutulungan ng mga awtoridad ng Malabang MPS, tracker team ng Matungao MPS, Lanao del Norte Police Provincial Office, 2nd Provincial Mobile Force Company, LDS PPO, 1403rd Regional Mobile Force Battalion-A at 41st Special Action Company.
Ang bawat matagumpay na pagtugis ng pulisya sa mga taong sangkot sa ilegal na gawain ay nagbibigay ng pag-asa sa ating mga mamamayan lalo na ang mga biktima upang makamit nila ang hustisya na kanilang inaasam.
Panulat ni Pat Veronica Laggui