Naaresto ng mga tauhan ng Pilar Municipal Police Station kasama ang 4th Manuever Platoon, 1st Capiz Provincial Mobile Force Company ang isang Wanted Person sa kasong Attempted Homicide sa Barangay Poblacion, Pilar, Capiz nito lamang ika-2 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Policr Major Alfred V De Leon, hepe ng Pilar MPS, ang suspek na isang 55 anyos na lalaki, binata, isang mangingisda at residente ng nasabing bayan.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Homicide na may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Php36,000.
Kaagapay ang komunidad ay patuloy ang Pilar PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng kanilang nasasakupan.
Source: Pilar Municipal Police Station
Panulat ni Pat Charmaine Balunsat