Arestado ang isang Wanted Person sa paglabag sa RA 9262 sa isinagawang joint law enforcement operation ng mga otoridad sa Purok Acacia Barangay Sumadat, Dumalinao, Zamboanga del Sur nito lamang ika-28 nito lamang Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Major Gerald P Aranas, Acting Chief of Police ng Dumalinao Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Wal”, 45 anyos, lalaki at residente ng Purok Kalinis Barangay Pag-asa, Dumalinao, Zamboanga del Sur.
Mahaharap ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Sec.5 (A,B,I) ng Republic Act 9262 na may inirekomendang piyansa na Php2,000 para sa (Sec 5A), Php120,000 naman sa (5B) at Php72,000 para sa (5I).
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco