Arestado ang isang wanted person sa isinagawang law enforcement operation ng mga miyembro ng Zamboanga City Police Station 5 sa pangunguna ni Police Major Pocholo Rolando C Guerrero, Station Commander sa Sitio Lumiyap Divisoria, Zamboanga City nito lamang ika- 05 ng Agusto 2024.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Earl”, lalaki, walang asawa, magsasaka at residente ng Zone 5, Sitio Lumiyap Divisoria, Zamboanga City.
Mahaharap ang suspek sa kasong 2 Counts of Rape sa ilalim ng criminal case number 54640 at 54641 na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan ay hindi nagpapabaya sa sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas, mapanatiling ligtas ang komunidad, at ipatupad ang kapayapaan ng bansa para sa umuunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco