Bilang paggunita ng ika-20th anibersaryo sa paglagda sa batas na Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2002 o RA 9262, ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 10 ay nagsagawa ng lecture patungkol sa VAWC Education and Protection Orientation Seminar sa Safer River Mothers Club, Pump House Manggahan Balulang, Cagayan de Oro City nito lamang ika-3 ng Disyembre 2024.



Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Virgilio R Buena, Hepe ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 10, kasama ang mga opisyales ng Barangay Balulang; PCMS Chaplin Selares, Chief, SCAD ng Police Station 4 CDO; Bishop Jerry Catamco at si Emie C Olmo, VAWC Focal Person ng Barangay Balulang, CDO.
Sa nasabing aktibidad ay nagkaroon ng lecture patungkol sa RA 9262 na pinangunahan ni Patrolwoman Kaye Francisco, kasunod nito ay ang mga mensahe mula sa mga Resource Speakers patungkol din sa mga karapatan ng mga kababaihan at mga bata.
Nasa mahigit 40 na mga kababaihan na residente ng nasabing barangay ang lumahok sa aktibidad na may temang “VAW Bigyang Wakas, ngayon na ang Oras”
Layunin ng aktibidad na bigyan ng sapat na kaalaman ang mga kababaihan sa mga komunidad at ito ay isa rin sa paraan ng pamahalaan na isagawa ang 18-Day Campaign to End Violence Against Women para mas mapanatiling payapa at ligtas ang mga kababaihan sa bawat komunidad.