Sinuportahan ng Valley Cops ang Singing Cops of the Philippines 2024 na ginanap sa Philippine National Police National Headquarters, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City nito lamang Setyembre 10, 2024.
Kalahok sa nasabing kompetisyon ay mga kapulisan na kumakatawan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa kung saan sampu sa kanila ang nakapasok sa grand finals na maglalaban-laban sa Setyembre 27, 2024.
Ang paghahanda ng mga kalahok ay nagpapakita ng kwento ng bawat isa sa kanilang dedikasyon sa larangan ng musika.
Layunin ng patimpalak na ito na palakasin ang kamalayan sa sariling pagkatao upang magkaroon ng mas matibay na pundasyon para sa epektibong pakikipag-ugnayan sa komunidad.
Source: PRO 2
Panulat ni Pat Michelline Ballada