Isinagawa nitong Miyerkules ang Turnover of Command Ceremony sa Police Regional Office 1 kung saan hahalili bilang bagong Regional Director ng PRO1 si Police Brigadier General Lou F Evangelista.
Malugod siyang tinanggap ng mga kawani ng Police Regional Office 1 kung saan niya ipinangako na ipagpatuloy ang mga nasimulang proyekto ng kanyang pinalitan na Regional Director na si Police Brigadier General John C Chua, bukod sa mga magiging bagong proyekto nito.

Ipinangako naman ng mga kapulisan ng PRO1 ang kanilang buong suporta kay PBGen Evangelista para mas lalo pang mapabuti ang kanilang pagsisilbi sa mga mamamayan ng Rehiyong Uno.

Ang nasabing seremonya ay pinangunahan ng ama ng Pambansang Pulisya na si PGen Benjamin Acorda, Jr.

Si PBGen Evangelista ay miyembro ng PNPA Sandigan Class of 1994 at dating Director ng Police Community Affairs and Development Group.
Source: RPCADU1
Panulat ni: PSSg Bader Ceasar Ayco