Greater Lagro, Quezon City — Matagumpay na naisagawa ng mga tauhan ng 5th MFC, Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at Advocacy Support Groups ang Tree Planting Activity sa La Mesa Dam, Brgy. Greater Lagro, Quezon City bandang alas-7:00 ng umaga nito lamang Sabado, Hunyo 25, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay may temang “A Thousand Trees in a Day” na pinangunahan ni Police Major Mark F Oyad, Company Commander, at sa patnubay ni Police Colonel Lambert A Suerte, Force Commander ng RMFB-NCRPO.
Ang programa ay bilang paggunita din sa pagdiriwang ng Arbor Day sa Pilipinas at ito’y alinsunod sa core values ng PNP na “Makakalikasan” na naglalayon na makapag-ambag sa watershed management ng La Mesa Dam na itinuturing na isa sa mga kritikal na watershed ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Ito ay isang paraan upang mapanatili ang ating mga yamang tubig kung saan ang reforestation ay may isang mahalagang papel sa pagbuo ng isang ecosystem, bagyo, at pagbabago ng klima.
Dagdag pa, ang kaganapan ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP); Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS); kalapit na istasyon ng pulisya ng Quezon City Police District (QCPD); at District Mobile Force Battalion ng QCPD; Local Government Units (LGU) ng Quezon City tulad ng Barangay Greater Lagro, North Fairview, Commonwealth, Batasan Hills, at Pasong Putik; at iba’t ibang PNP Advocacy Support Groups tulad ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), Faith-Based, Barangay-Based at Force Multipliers mula sa mga nabanggit na barangay.
Ang mga dumalo ay nakapagtanim ng 1,000 seedlings ng Narra tree at 500 seedlings ng Mahogany tree na ipinagkaloob ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), NCR at RMFB.
Ang kahalagahan ng nasabing aktibidad ay ang pagkakaisa ng PNP kasama ang iba’t ibang grupo sa iisang layunin at pagtulong sa papalit-palit na klima sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno.
Source: https://fb.watch/dTKvCcqTM6/
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos