San Jose, Tarlac – Matagumpay ang isinagawang Tree Planting Activity ng San Jose PNP sa Barangay Sula, San Jose, Tarlac nito lamang Biyernes, Hulyo 1, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Roger G Alfiler, Officer-in-Charge, San Jose Municipal Police Station, Tarlac Police Provincial Office kasama ang City Environment and Natural Resources Office.
Mahigit kumulang 500 narra tree seedlings ang naitanim ng PNP sa nasabing lugar.
Ang naturang aktibidad ay alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan”.
Hinihikayat ng PNP ang mga mamamayan na makiisa at makilahok sa mga programa ng Pambansang Pulisya lalo na sa pangangalaga ng ating kalikasan.
###
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera