Naaresto ng mga awtoridad ang isang suspek na Top 9 Regional Most Wanted Person sa isinagawang operasyon ng pagpapatupad ng Warrant of Arrest sa Sitio Rancho, Barangay Wadya, Banisilan, Cotabato nito lamang Setyembre 1, 2025.
Kinilala ni Police Major Arvin John B Cambang, Hepe ng Banisilan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Tata Boy”, 33 anyos, binata, isang magsasaka, at residente ng Purok Malipayon, Barangay Malinao, Banisilan, Cotabato.
Ang operasyon ay isinagawa ng Banisilan MPS tracker team, katuwang ang CIDG at iba’t ibang personahe ng Cotabato PNP, ay nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek batay sa Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa isang Most Wanted Person sa Regional Level ay patunay ng matatag na dedikasyon ng PNP sa paghahatid ng hustisya at seguridad sa ating mga komunidad. Sa ilalim ng Bagong Pilipinas at sa direksyon ng pamunuan ng PNP, patuloy ang kampanya kontra kriminalidad at sa pagtugis sa mga itinuturing na banta sa kapayapaan.



