Top 9 City Most Wanted Person, arestado ng Iligan City PNP sa kasong Statutory Rape

0
847

Arestado ang Top 9 City Most Wanted Person sa kasong Statutory Rape sa isinagawang Simultaneous Manhunt Charlie Operation o SIMACHO ng mga awtoridad nito lamang ika-8 ng Oktubre 2024 sa Barangay Tiogan, Leon B. Postigo, Zamboanga del Norte.

Kinilala ni Police Major Rodulfo B AraƱador Jr. Officer-In-Charge ng Iligan City Police Station 3, ang suspek na si alyas ā€œChuyā€, 18 taong gulang at residente ng Purok 1 Dawag, Barangay Bonbonon, Iligan City.

Ayon kay PMaj AraƱador Jr., naaresto ang suspek sa pinagsamang pwersa ng Iligan City Police Station 6 at Iligan City Police Station 1 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang piyansa.

Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng nagkakaisang layunin na hulihin ang mga Wanted Persons na nagkasala sa batas upang mapanatiling payapa at tahimik ang komunidad.