Arestado ng mga awtoridad ang tinaguriang Top 8 Regional Most Wanted Person sa kasong Rape with Homicide sa Crossing ng Barangay Kablon, Tupi, South Cotabato nito lamang Agosto 5, 2024.
Kinilala ni Police Major JS T Pedrosa, Chief of Police, ang suspek na si alyas “Ronron”, 20 anyos, binata at residente ng Barangay Polonuling, Tupi, South Cotabato.
Ayon sa ulat ng Tupi Municipal Police Station, bandang 9:31 ng gabi naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape with Homicide na walang piyansa.
Bunga ng walang tigil na operasyon ng PNP ang resulta ng pagkadakip sa mga nagkakasala sa batas tungo sa isang ligtas, payapa at maunlad na bansa.