Naaresto ng mga operatiba ng Dingras Municipal Station ang isang lalaking kabilang sa Top 7 Most Wanted Person Regional Level matapos ikasa ang manhunt operation bandang 12:05 ng madaling-araw noong Mayo 23, 2026 sa bayan ng Dingras, Ilocos Norte.
Pinangunahan ni PMaj Norman C. Pentang, Chief of Police ng Dingras Municipal Police Station, ang Tracker Team na nagsilbi ng Warrant of Arrest laban sa akusado kaugnay ng kasong Statutory Rape sa ilalim ng Paragraph 1(D), Article 266-A ng Revised Penal Code na inamyendahan ng RA 8353 at RA 11648.
Kinilala ang suspek na si Robert Magdaraog y Marquez, 53, may asawa, nakatira sa Barangay Guerero, Dingras, Ilocos Norte, at nagtatrabaho bilang isang construction worker.
Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang kanyang nauunawaan habang mahigpit na sinusunod ang Anti-Torture Law. Dinala rin siya sa Dingras District Hospital para sa medical examination bago isinailalim sa tamang dokumentasyon sa Dingras MPS at kalaunan ay itinurn over sa korte na nagpalabas ng warrant.
Patuloy naman ang pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa mga wanted persons upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa komunidad.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: Dingras MPS



