Arestado ng ParaƱaque City Police Station ang lalaking tinaguriang Top 4 Most Wanted Person sa District Level para sa kasong Statutory Rape nito lamang Biyernes, Hulyo 26, 2024.
Ayon kay Police Colonel Melvin R Montante, Officer-In-Charge ng istasyon, nakilala ang suspek na si alyas “Hipolito”, 55 taong gulang.
Naganap ang pag-aresto sa tirahan ni alyas “Hipolito” sa Quirino Avenue, Barangay Don Galo, ParaƱaque City dakong 4:00 ng madaling araw sa pinagsanib-puwersa ng Warrant and Subpoena Section kasama ang WCPD ng ParaƱaque.
Ang suspek ay inaresto sa kasong Statutory Rape and Rape by Sexual Assault na walang inirekomendang piyansa.
Hindi titigil ang ParaƱaque PNP sa paghahanap sa mga indibidwal na may pananagutan sa batas bagkus lalo pang paiigtingin ang manhunt operation upang maibigay sa mga nabiktima ang hustiya na nararapat.
Source: SPD PIO
Panulat ni SSg Remelin M Gargantos