Bukidnon – Nasakote ang Top 4 PNP-PDEA Target Listed, High Value Individual sa Provincial Level sa ikinasang buy-bust operation ng Quezon PNP sa Purok Demokrasya, Salawagan, Quezon, Bukidnon nito lamang Martes ng Pebrero 28, 2023.
Kinilala ni Police Major Noel Cano, Officer-In-Charge ng Quezon Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Ian”, 23, residente ng Purok Masigla, Salawagan, Quezon, Bukidnon at kabilang sa High Value Target Listed ng PNP-PDEA.
Nakuha sa naturang operasyon ang limang pakete ng hinihinalang shabu na bigat na 0.5 na gramo na may halagang Php3,220; isang lukot na papel na may 4 na pirasong pakete na hinihinalang shabu; isang VIVO android na kulay asul at isang Php500 bill.
Ang Quezon PNP ay patuloy sa paglaban sa ilegal na droga at iba pang uri ng kriminalidad para mapanatili ang maayos at payapa ang kanilang nasasakupang komunidad.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU10