Naaresto ang tinaguriang Top 4 Most Wanted Person Municipal Level sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Bocaue Municipal Police Station noong Mayo 18, 2026 sa Brgy. Poblacion, Bocaue, Bulacan.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Gilbert C Diaz, Chief of Police ng Bocaue MPS, ang suspek na si “Dolfo,” 33 taong gulang, walang trabaho, residente ng Brgy. Sulucan, Bocaue, Bulacan na inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Robbery with Violence Against Persons na may inirekomendang piyansa na aabot sa Php100,000.
Patuloy ang Bocaue MPS sa walang humpay na kampanya sa pagtugis sa mga taong may sala sa batas at sa pagbibigay ng hustisya sa kanilang naging biktima, na isa sa mga hangarin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong mabilis, tapat at nararamdaman.”



