Solsona, Ilocos Norte – Arestado ang Top 4 Most Wanted Person sa kasong Rape sa operasyon ng PRO 1 nitong ika-2 ng Mayo, taong kasalukuyan.
Kinilala ni Police Colonel Julius Suriben, Provincial Director ng Ilocos Norte Police Provincial Office, ang suspek na si Allan Ramos y Molina, 35, tindero at residente ng Brgy. San Esteban, Dingras, Ilocos Norte.
Ayon kay Police Colonel Suriben, bandang 10:50 ng umaga naaresto ang suspek sa kanyang tahanan sa pinagsanib na puwersa ng Solsona Municipal Police Station, Regional Intelligence Unit 1, Provincial Intelligence Unit, Dingras Municipal Police Station, 1st and 2nd Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 1 at Provincial Intelligence Team Ilocos Norte.
Ayon pa kay Police Colonel Suriben, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang rekomendadong piyansa.
Ang tagumpay ng PNP laban sa mga taong may pananagutan sa batas ay bunga ng pakikipagtulungan at pakikiisa ng mamamayan.
Source: Solsona Municipal Police Station
###
Panulat ni Patrolman Viljon Comilang