Walang kawala ang isang lalaki at isa sa nakatala bilang Top 4 Most Wanted Person sa Municipal Level nang madakip ng mga tauhan ng Lebak Municipal Police Station sa Barangay Lower Taviran, Kabuntalan, Maguindanao Del Norte nito lamang Marso 30, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel William L Facsoy Jr., hepe ng Lebak Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Noru”, nasa wastong gulang, may asawa at residente ng Poblacion 1, Lebak, Sultan Kudarat.
Ayon kay PLtCol Facsoy Jr., sa pinagsanib na pwersa ng Lebak Municipal Police Station kasama ang Kabuntalan Municipal Police Station ay nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o “Anti-Carnapping Act of 2016” na may piyansang Php300,000 at RA 9165 “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”: Maintenance of Den, Dive or Resort na may piyansa na Php200,000.
Ang Lebak MPS ay patuloy na pinapatupad ang kanilang mandato na panagutin sa batas ang mga taong nagkasala sa batas upang magkaroon ng kaayusan at katahimikan ang kanilang nasasakupan.
Panulat ni Pat Brylyn Jean Cabonilas