Arestado ng mga awtoridad ang nakatalagang Top 3 Regional Most Wanted Person ng National Capital Region na may kasong Murder sa Barangay Rawis, Calbayog City, Samar nito lamang Oktubre 03, 2025.
Kinilala ni Police Major Norman S Kiat-Ong Jr., Force Commander ng 1st Samar Provincial Mobile Force Company, ang suspek na si alyas “Marjun”, 35 anyos at residente ng Barangay Pagbalican, Calbayog City, Samar.
Naaresto ang suspek bandang 2:50 ng hapon ng mga tauhan ng 1st Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang Calbayog City Police Station, PNP Intelligence Group, Internal Security Operation Division, Provincial Intelligence team Samar, Regional Intelligence Unit 8, Quezon City District Intelligence Team, NCR- Regional Intelligence Unit, Quezon City Police District- DID, Manila Police Station 1, Northern Police District, DSOU, Western Samar Maritime Police Station, 804th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 at INF (GSC), 3IB,7ID, Philippine Army, sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay patunay lamang na epektibo ang pagpapatupad ng Pambansang Pulisya sa kanilang sinumpaang tungkulin na maghatid ng serbisyo publiko para sa mas payapa, ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.



