Maramag, Bukidnon – Arestado ang isang Top 3 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Frustrated Murder nitong lamang 7:20 ng umaga ng gabi ng Hunyo 8, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jun Mark Lagare, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang suspek na si Jay-ar Tinoy, 29, residente ng Purok 1, Tubigon, Maramag, Bukidnon.
Ayon kay PCol Lagare, bandang 7:20 ng gabi naaresto ang suspek sa Purok 1, Tubigon, Maramag, Bukidnon ng mga tauhan ng Maramag Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may rekomendadong piyansa na Php200,000.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa paghuli sa mga taong nagtatago sa batas upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
###
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo / RPCADU 10