Top 3 City Most Wanted Person sa paglabag sa RA 7610, arestado ng Baguio PNP

0
621

Arestado ng mga tauhan ng Baguio PNP ang Top 3 Most Wanted Person sa City Level sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act” sa Barangay Nancayasan, Urdaneta City, Pangasinan noong ika-20 ng Hunyo 2025.

Kinilala ni Police Colonel Ruel D Tagel, City Director ng Baguio City Police Office, ang nasabing suspek na isang 43 taong gulang na lalaki, may-asawa at construction worker.

Matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Baguio City Police Station 9, City Intelligence Unit at Criminal Investigation and Detection Management Unit.

Ang nasabing suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 7610 (3 counts) na may kabuuang Php600,000 inirekomendang piyansa.

Ang matagumpay na operasyon ay patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa programa ng kasalukuyang administrasyon.

Panulat ni Patrolwoman Melba Langbis