Arestado ng mga tauhan ng Las Pinas City Police Station ang tinaguriang Top 3 Most Wanted Person sa City Level sa salang Acts of Lasciviousness nito lamang Sabado, Nobyembre 2, 2024 sa Barangay Talon 3, Las Pinas City.
Kinilala ni Police Brigadier General Bernard R Yang, District Director ng Southern Police District, ang suspek na si alyas “Jear”, 36 taong gulang.
Ang pag-aresto ay isinagawa batay sa Warrant of Arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness na may inirekomendang piyansa na Php540,000.
Patuloy naman sa pagpapatupad ng Manhunt Operation ang SPD upang madakip ang mga salarin at maibigay ang hustisya sa mga inosenteng indibidwal na nakaranas ng karahasan.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos