Top 2 Municipal Most Wanted Person sa kasong Lascivious Conduct, arestado ng 2nd Bulacan PMFC

0
234

Naaresto ng mga operatiba ng 2nd Provincial Mobile Force Company sa pakikipagtulungan ng City of San Jose del Monte City Police Station ang tinaguriang Top 2 Most Wanted Person Municipal Level sa kasong Lascivious Conduct sa Brgy. San Pedro, City of San Jose Del Monte, Bulacan nito lamang Hunyo10, 2026.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Alvin Christopher L Baybayan, Force Commander ng Bulacan 2nd PMFC, dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5(B) ng RA 7610, na inamyendahan ng RA 11648, na may Criminal Case No. 275-SJDM-2025 na may inirekomendang piyansa na aabot sa Php200,000.

Patuloy na paiigtingin ang kampanya laban sa mga nagtatago sa batas upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa komunidad. Ito ay alinsunod sa adhikain ng kapulisan na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” na naglalayong palakasin ang tiwala ng publiko sa hanay ng Philippine National Police.

Leave a Reply