Arestado ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Binondo Police Station ang isang 21-anyos lalaki na kabilang sa tinaguriang Top 2 sa talaan ng Station Level Most Wanted Person (MWP) nang maispatan sa Intelligence driven operation sa kanto ng Lara at Madrid St., Binondo, Maynila nito lamang Linggo, Abril 28, 2024.
Pinangalanan ni PLtCol Roberto Mupas, Station Commander ng istasyon ang suspek na si alyas “Arian” na nadakip sa pinagsanib-puwersa ng PS11 Warrant, Subpoena Section, Intelligence Section, San Nicolas PCP at TMRU sa bisa ng Warrant of Arrest sa paglabag sa Article II, Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kaugnay nito, pinuri ni PLtCol Mupas ang mga miyembro ng nasabing prisinto dahil sa kanilang pagkakaisa at pagtutulungan na nagresulta sa matagumpay na pagkadakip sa Top 2 MWP.
Puspusan rin ang hakbang ng PS11 sa pagsasagawa ng pakikipag-ugnayan sa mga Barangay sa kanilang nasasakupan na bahagi ng pinaigting na kampanya kontra kriminalidad upang maging ligtas ang kanilang komunidad para makapamuhay ng normal tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Police Big Brother
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos