ParaƱaque City – Arestado ang isang lalaking tinaguriang Top 2 Most Wanted Person ng ParaƱaque City Police Station nito lamang Huwebes, Oktubre 11, 2023.
Kinilala ni Police Colone Reycon Garduque, Chief of Police ng Paranaque CPS, ang akusado na si alyas āTinoyā, 27 taong gulang.
Naaresto si alyas āTinoyā ng mga tauhan ng Warrant at Subpoena Section sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder sa San Juan De Coastal, Brgy. San Dionisio, ParaƱaque City pasado alas-2:00 ng hapon.
Kasalukuyan namang nakakulong sa Station Custodial Facility ng ParaƱaque CPS ang suspek habang hinihintay ang commitment order mula sa korte.
Tiniyak ng kapulisn ng ParaƱaque CPS na pananagutin sa batas ang lahat ng mga indibidwal na nagkasala upang maibigay ang ninanais na hustisya ng kanilang mga naging biktima.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos