Tiaong, Quezon – Arestado ang Top 10 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Homicide sa Manhunt Charlie ng Tiaong PNP nito lamang Lunes, May 23, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Marlon Cabataña, Chief of Police ng Tiaong Municipal Police Station, ang suspek na si Amadedo Guerra Mendoza, 49, residente ng Sitio Gitna Brgy. Paiisa, Tiaong, Quezon.
Ayon kay PLtCol Cabataña, bandang 9:20 ng umaga naaresto si Mendoza sa Brgy. Poblacion 3, Tiaong, Quezon ng mga operatiba ng Tiaong MPS sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Homicide na may rekomendadong piyansa na Php120,000.
Ang PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad.
Source: Tioang Municipal Police Station
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Elvis Arellano